Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kapakanang pangkalusugan para sa mga Dagupeño sa nagpapatuloy ding mga libreng serbisyong medikal.
Saklaw nito ang “Liwanag at Lingap” Field Hospital Services sa pakikipag-ugnayan ng LGU Dagupan sa tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros mula sa National government at may layong makapagpamahagi ng libreng konsulta, gamot, vitamins, laboratory test, Blood Chem tulad ng Sugar, Cholesterol, Uric, Hemoglobin, gayundin ang urinalysis, blood pressure, ECG o electrocardiogram at doppler lalo na para sa mga indigent Dagupenos at mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
Umaarangkada rin ang programang Goodbye Gutom na hatid nito ay pamamahagi ng mga masusustansyang mga pagkain sa mga bata upang makamit ang Zero Hunger sa lungsod.
Layon din nitong masugpo ang kaso ng malnutrisyon at maitaguyod ang food sustainability at security ng mga Dagupeno sa Dagupan City.
Samantala, prayoridad din ang mga kapakanan ng mga senior citizens at solo parents sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments