
Tinalakay sa naganap na Basic Nutrition ang Pinggang Pinoy ng NATIONAL NUTRITION COUNCIL REGION 1 bilang may adhikain na makamit ng mga mamamayan ang malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang mga pagkain.
Bahagi ang nasabing seminar sa naisagawang bloodletting activity na pinangunahan ng KAPISANAN NG MGA BRODKASTER NG PILIPINAS (KBP) PANGASINAN CHAPTER katuwang ang Region 1 Medical Center.
Saklaw ng tuntunin ang mga paksa ukol sa pagkakaroon at kahalagahan ng healthy diet, pagbibigay-diin sa “Pinggang Pinoy” o ang food guide sa kung ano ang dapat karga ng isang plato hatid ang tamang mga pagkain na siyang tutugon sa pangangailangan ng katawan.
Kabilang din ang Banig Place Mat, limang uri ng mga pagkaing kakailanganin na nakadepende sa edad, ang principles ng healthy diet, ang 10 kumainments, lahat ay para sa magkakaroon ng sapat at tamang intake ng pangangatawan.
Layunin nitong makapagbigay ng dagdag kamalayan sa healthy diet, mabawasan ang kaso ng malnutrisyon at maiwasan ang mga non-communicable diseases. |ifmnews
Facebook Comments









