Kapaki-pakinabang ang umiiral na martial law sa Mindanao para pigilan at labanan ang mga panggugulo ng mga teroristang grupo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col Noel Detoyato, kung walang ipinatutupad na martial law sa Mindanao ay posibleng mas malala pa ang mga panggugulo ng mga terorista.
Ginawa ni Detoyato ang pahayag matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat kagabi na ikinasawi ng 2 at ikinasugat ng 36 na indibidwal na ang kanilang pangunahing suspek ay Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF.
Sinabi ni Detoyato na mayroon aniyang mga pagtatangkang ginawa ang BIFF sa Sultan Kudarat pero napipigilan ng militar dahil sa mahigpit na mga check point operation.
Ang mga pinakahuling pagtatangka aniya ay ang pagkakarekober ng improvised Explosive device na hindi na napasabog.
Ilan sa naman nakikitang dahilan ni Detoyato sa malimit na pagatake ng BIFF sa Sultan kudarat partikular sa Isulan ay dahil sa pagunlad na ng lugar o ecomonic development at dahil mas maraming hindi muslim sa Isulan kaya nagiging target sila ng pangugulo ng BIFF.