Ipauubaya ni House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab kay Pangulong Duterte ang kahihinatnan ng P4.1 trillion 2020 national budget matapos na maaprubahan ito sa Bicameral Conference Committee at naratipikahan sa plenaryo.
Ito ay kasunod na rin ng akusasyon ni Senator Panfilo Lacson na may inihabol at naitatagong pang pork barrel sa 2020 budget.
Ayon kay Ungab, nasa kamay na ni Pangulong Duterte kung may mga ive-veto ito na bahagi ng pambansang pondo.
Depensa naman ni Ungab sa mga amyendang ginawa sa budget, ito ay base na rin sa rekomendasyon ng mga myembro ng gabinete ni Pangulong Duterte.
Itinanggi pa ng kongresista ang akusasyon ng makabayan na walang detalye ang mga proyekto.
Giit nito, ang mga proyekto sa 2020 budget ay enumerated at naka-line item.