Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ilatag sa gagawing joint Commission Meeting sa Oktubre ang isyu patungkol sa 56 Filipino na nakakulong sa Malaysia.
Sa tatlong araw na state visit ng pangulo, sinabi nito na nakausap niya sina King of Malaysia, His Majesty Al-Sultan Abdullah at Prime Minister Anwar Ibrahim at inalam ang sitwasyon ng mga nakakulong na mga Filipino sa Malaysia.
Mahigit sa 30 Filipino na nakakulong ang nahaharap sa parusang kamatayan.
Ayon sa pangulo, magpupulong ang Joint Commission sa buwan ng Oktubre at isa sa mga tatalakayin ay kung maaring iuwi na lamang sa Pilipinas ang mga nakakulong na Filipino sa Malaysia at pagsilbihan ang sentensya.
Sinabi ng Pangulo ang suhestyon nila kay Prime Minister Anwar ay irepatriate na lamang sa Pilipinas ang mga Pilipinong nakakulong sa Malaysia.
Pero sa huli ayon sa Pangulo ang Malaysian government pa rin magdedesiyon kaugnay dito at matatalakay ito sa gagawing Joint Commission meeting sa Oktubre.