Kapalaran ng Dengvaxia, malalaman sa susunod na 10 araw

Malalaman sa susunod na 10 araw kung papahintulutang gamitin muli sa Pilipinas ang Anti-Dengue Vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nakikipagpulong na siya sa mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) at iba pang grupo upang malaman kung ligtas bang gamiting bakuna ito.

Giit ng kalihim, hindi madali ang paglalabas ng desisyon hinggil dito at kailangang magkaroon muna ng consensus sa pagitan ng mga pabor at tutol dito.


Aminado si Duque na nakaapekto sa ibang bakuna ang nangyaring Dengvaxia scare.

Sa ngayon, ang Thailand, Indonesia, at Singapore ay ginagamit ang Dengvaxia pero sa limitadong paraan.

Facebook Comments