Kapalaran ng Road Board, nasa kamay na ni PRRD

Manila, Philippines – Naisumite na sa Malakanyang ng Presidential Legislative Liaison Office at naghihintay na lang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang bubuwag sa Road Board.

Ang Road Board ang namamahala sa pondo mula sa Motor Vehicle User’s Charge o MVUC na tinatawag ding road user’s tax.

Ang nasabing salapi ay nakalaan para sa road maintenance at pagpapabuti ng road drainage, paglalagay ng traffic lights at road safety devices kasama din ang air pollution control.


Subalit lumalabas sa report ng Commission on Audit (COA) na nagkaroon umano ng maling paggamit ang Road Board sa bahagi ng mahigit 166-billion pesos na nakolektang road user’s tax mula 2001 hanggang May 2018.

Magugunita na noong 2017 ay hiniling din ni Pangulong Duterte sa Kongreso na magpasa ng batas na bubuwag sa Road Board dahil ang bilyun-bilyong pisong road use’s tax ay napupunta lang umano sa bulsa ng mga tiwaling opisyal.

Facebook Comments