Kapalaran ni Napoles, nakasalalay sa mga sasabihin nito sa muling pagbubukas ng imbetigasyon sa PDAF Scam

Manila, Philippines – Umaasa si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na pakikinggan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang Department of Justice sakaling magdesisyon ito na gawin state witness si Janet Lim Napoles sa Priority Development Assistance Fund o PDAF Scam.

Ayon kay Panelo, nakasalalay ang magiging kapalaran ni Napoles sa mga posibleng ilabas nitong bagong impormasyon sa oras na buksang muli ang Imbestigasyon sa nasabing kaso.

Sakali aniyang makita ng DOJ na maaari itong maging State Witness base sa kanyang mga salaysay ay Ombudsman parin ang huling magpapasiya dito.


Kaya naman igagalang aniya nila kung ano man ang magiging desisyon ng Ombudsman sa kaso ni Napoles.

Matatandaan na sinabi ni Ombudsman Morales na haharangin niya ang anomang hakbang para gawing state witness si Napoles sa PDAF Scam.
Una na rin namang sinabi ng Malacañang na bahala na si Justice Secretary Vitallano Aguirre na pag-aralan kung maaari nga bang tumayong state witness si Napoles.
DZXL558

Facebook Comments