Bahala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpasya kung papanatilihin o sisibakin si Health Secretary Francisco Duque III.
Pahayag ito ni Lacson kasunod ng kanyang privilege speech na nagbunyag sa mga milyun-milyong pisong mga kontratang nakuha umano ng pamilya ni Duque habang sIya ay kalihim ng DOH at umuupo Rin sa board ng Philhealth.
Sabi ni Lacson, umaasa sIya na makakarating sa pangulo ang kanyang expose laban kay Duque dahil binigyan niya ng abiso hinggil dito si Senator Bong Go.
Ayon kay Lacson, ang kanyang pagsasapubliko ng mga nakalap na impormasyon laban kay Duque ay tugon sa paghikayat ni pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubulgar ng mga katiwalian sa pamahalaan sa kanyang State of the Nation Address.
Umaasa si Lacson na agad kikilos si Pangulong Duterte dahil nakasasalay dito ang mga programang pangkalusugan ng gobyerno para sa mga mahihirap.