Kapalaran ni Sinas, ipinauubaya na ng Palasyo sa DILG

Iiwanan na ng Malacañang sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magiging kapalaran ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas matapos siyang lumabag muli sa health protocols.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang DILG na ang magdedesisyon dito dahil nakapaloob sa kanila ang PNP.

“I leave that to DILG, kasi sila ang merong supervision sa PNP,” sabi ni Roque.


Nabatid na hindi sumalang si Sinas sa health screening nang bisitahin niya ang PNP Regional Office noong March 11, kaparehas na araw nang magpositibo siya sa COVID-19.

Una nang sinabi ni Vice President Leni Robredo na dapat alam ni Sinas ang kanyang responsibilidad para tiyaking hindi siya carrier ng sakit.

Facebook Comments