Kapalaran ni Taytay Parish Priest Msgr. Arnel Lagarejos, nasa kamay na ng Vatican

Manila, Philippines – Nasa kamay ng Vatican ang kapalaran ni Taytay Parish Priest Msgr. Arnel Lagarejos.

Ito ang ihayag ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz matapos siyang atasan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na pangunahan ang imbestigasyon sa pagkaaresto kay Lagarejos nitong Sabado ng umaga matapos tangkaing isama ang isang menor de edad na babae sa isang motel sa Marikina City.

Ayon kay Cruz – maaaring matanggal ang estado ng pagkapari ni Lagarejos kung mapapatunayan siya ay nagkamali.


Si Lagarejos ay sinuspendi muna ng CBCP habang gumugulong ang kanyang kaso.

Facebook Comments