Manila, Philippines – Nanumpa bilang mga bagong miyembro ng Kamara ang dalawang bagong mambabatas kabilang na ang kapalit ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kasama ang kanilang pamilya nanumpa ng katungkulan kay Deputy Speaker Gwen Garcia sina Representative Ciriafo Calalang ng Kabayan Partylist at Amihilda Sangcopan ng Anak Mindanao Partylist.
Si Calalang ang kapalit ni Sec. Roque habang si Sangcopan naman ang humalili kay Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman na nagbitiw sa tungkulin upang bumalik sa kanyang mga Community Work.
Si Sangcopan ay dating Chief of Staff ni ARMM Gov. Mujiv Hataman at nagsilbi din bilang Secretary ng ARMM-Department of Agrarian Reform.
Dahil dito, 292 muli ang kasalukuyang miyembro ng Kamara De Representante.
Facebook Comments