Kapalit ng mga miyembrong nagbitiw sa ICI, hindi pa napag-uusapan – Malacañang

Hindi pa napag-uusapan sa Malacañang ang posibleng pagpapalit sa mga nagsipag-resign na miyembro ng Independent Commission for Infrastructure o ICI, kasunod ng pagbibitiw ni ICI Commissioner Rosanna Fajardo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala pang talakayan sa Palasyo tungkol sa anumang replacement sa ngayon at sa halip, nakatuon umano ang administrasyon sa panukalang Independent Peoples Commission o IPC.

Giit ni Castro, ang malinaw na direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay matiyak na maayos at malinaw ang magiging batas nito.

Binibigyang-diin ng Palasyo na kailangang maiwasan ang sapawan ng kapangyarihan ng IPC sa mga umiiral nang ahensya gaya ng Department of Justice at Office of the Ombudsman.

Pero nasa kamay na aniya ng Kongreso kung paano bibilisan ang pag-aaral at pagsasabatas ng IPC, lalo’t hayag na ang kagustuhan ng Pangulo na isaprayoridad ito sa Senado at Kamara.

Facebook Comments