Kapanganakanni Birheng Maria, ginunita; mga deboto dagsa kahit pa walang tigil ang pag-uulan sa Pangasinan

Bagamat patuloy ang pag-uulan na nararanasan sa lalawigan ng Pangasinan libo-libong deboto pa rin ang nakiisa sa misa bilang paggunita sa kapanganakan ng Birheng Maria sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag kahapon.

Mula umaga hanggang hapon hindi natinag ang mga deboto ng Birheng Maria na galing pa sa malalayong lugar.

Ayon sa isang deboto na si Charmine Sanchez na galing pa ng Bulacan, panata na niya umano ang pagpunta sa Our Lady of Manaoag dahil naniniwala siyang ginagabayan ito ng Inang Birhen.


Sa museo ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag makikita ang Santisima Bambina Maria Exhibit na makikita ang ibat-ibang imahen ng batang Maria.

Naka deploy pa rin ang ilang awtoridad sa paligid ng simbahan upang matiyak ang seguridad ng mga deboto.

Samantala, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 8 kada taon na special working holiday na naglalayon upang ipagdiwang ang Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary.

Facebook Comments