Kapangyarihan ng DepEd Secretary, nais ni Sen. Tolentino na palakasin para maging malaya sa pag-adjust ng school calendar pag-promote sa mga estudyante

Inihain ni Senator Francis Tolentino ang Senate Bill No. 1457 at Senate Bill No. 1458 para amyendahan ang Republic Act No. 7977.

Ito ay para mabigyan ng kapangyarihan ang kalihim ng Department of Education (DepEd) na putulin o i-adjust ang school calendar.

Nakapaloob din sa panukala ang otoridad ng DepEd Secretary na bigyan ang lahat ng estudyante ng passing mark at i-promote sa kasunod na educational o academic level.


Nais ni Tolentino na magkaroon ng otoridad ang Education Secretary na gawin ang nabanggit na mga kinakailangang hakbang kapag may emergency at kalamidad tulad ng nararanasan ngayong health crisis dahil sa COVID-19.

Layunin ng panukala ni Tolentino, na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro tulad ngayong na mayroong pandemic.

Facebook Comments