Ayon kay Davao del Sur Representative John Tracy Cagas, may kapangyarihan ang House of Representatives na maglipat ng pondo kasama ang confidential and intelligence funds sa ilalim ng panukalang pambansang budget.
Pahayag ito ni Cagas, bilang pagdepensa sa pagtanggal ng Kamara sa confidential funds ng mga civilian offices na inilipat sa mga ahensya ng gobyerno na nagbabantay sa West Philippine Sea (WPS) at nangangalaga sa seguridad ng buong bansa.
Diin pa ni Cagas, ang naturang hakbang ng Kamara ay bilang tugon sa hiling ng mga kinauukulang ahensya at apektdong sektor na dagdagan ang pondo para suportahan ang interes, seguridad, soberanya, at teritoryo ng bansa.
Paliwanag ni Cagas, binibigyan ng kapangyarihan ng konstitusyon ang Kamara at Senado para baguhin ang alokasyon ng mga pondo sa ilalim ng panukalang budget upang maiayon ito sa pangangailangan ng bansa.