Kapangyarihan ng mga mambabatas na magpasok ng amyenda sa budget, hiniling ng isang senador na alisin na

Ipinanawagan ni Senator Robinhood Padilla na amyendahan ang Konstitusyon o kaya ay limitahan ang kapangyarihan ng Senado at Kamara na magpasok ng amyenda sa pambansang pondo.

Umapela si Padilla kay Senator Kiko Pangilinan, Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revisions of Codes and Laws, na ikunsidera ang kanyang Senate Bill 1299 o ang Mahiya Naman Kayo Bill.

Nababahala ang senador na sa patuloy na pagbibigay kapangyarihan sa mga mambabatas na magpasok ng amyenda o pagbabago sa national budget, madali lamang maabuso ito ng mga gahaman sa posisyon.

Gayunman, batid ni Padilla na matagal ang pagdadaanan bago maamyendahan ang Konstitusyon, kaya hinihiling niya na lang ang agarang pagpapasa ng panukalang batas.

Sa ilalim ng panukalang ito, pagbabawalan ang mga senador at mga kongresista na mag-initiate, tumukoy, magendorso, o magsingit ng pondo para sa anumang proyekto sa taunang national budget.

Nagugat ito sa pagkabahala ng senador na mayroon siyang balita na ang budget amendments nilang mga taga-oposisyon ay i-FLR o for later release, na sa madaling salita, hindi agad maglalabas ng pondo.

Facebook Comments