Inihain ni Senator Francis Tolentino ang Senate Bill No. 2434 na nag-aamyenda sa Executive Order No. 292 o Administrative Code of 1987.
Layunin ng panukala ni Tolentino na limitahan ang kapangyarihan ng mga Officer-in-Charge o OIC sa mga ahensya ng gobyerno.
Sa panukala ni Tolentino, ay mahigpit na ipinagbabawal na lumagda sa long- term agreements o high-value contracts ang sinumang OIC.
Itinatakda ng panukala ni Tolentino na hindi lalampas sa anim na buwan lamang ang panunungkulan ng isang OIC.
Magiging limitado lang din ang kanilang trabaho sa pagtiyak na magpapatuloy ang gawain ng tanggapan hanggang wala pang permanenteng mamunungkukan.
Ang panukala ni Tolentino ay bunga ng pagdinig ng Senate Blue-Ribbon Committee kaugnay sa pagbili ng Procurement Service-Department of Budget and Management ng pandemic supplies.
Tinukoy ni Tolentino ang lumabas sa hearing na OIC lang si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao sa PS-DBM ng lumagda ito sa bilyun-bilyong pisong halaga ng mga kontrata.