
Pinababawi nina Senators Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan ang delegated authority ng pangulo na ibaba ang taripa sa bigas.
Sa inihaing Senate Joint Resolution #2 ng dalawang senador, tinukoy na sa pamamagitan ng executive order number 62 na inisyu noong June 2024 ay pinababaan ng pangulo ang taripa sa bigas upang maparami ang imported na bigas at mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.
Layunin ng joint resolution na maibalik sa 35 percent ang taripa o buwissa inaangkat na bigas na ibinaba ng pangulo sa 15 percent.
Ipinunto rin na sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act of 2016 ay maaaring bawiin o i-terminate ng Kongreso ang paggamit ng pangulo ng kapangyarihan na magisyu ng kautusan sa pamamagitan ng joint resolution ng Senado at Kamara.
Bunsod ng pagbaba sa taripa ay bumaha ng imported na bigas sa bansa at naapektuhan dito ang mga lokal na magsasaka.
Napilitan tuloy ang local farmers na magbagsak ng kanilang presyo at malaki ang ikinalugi nila rito.









