Kapangyarihan para magkapag-isyu ng lisensya sa E-sabong, nais ipalipat sa Kongreso

Nais ng ilang senador na ilipat sa Kongreso ang kapangyarihan na mag-isyu ng lisensiya para sa online cockfighting o E-sabong mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, isa ito sa rekomendasyon na pinag-aaralan ng Senado nang sa gayon ay maging maayos ang pagkontrol sa E-sabong sa bansa.

Aniya, ang Kongreso rin ang may oversight power sa online cockfighting sa pamamagitan ng Senate Committee on Games and Amusement.


Paliwanag pa ni Dela Rosa, maraming nalululong na sa E-sabong lalo na’t 24/7 ang operasyon nito kaya nais niyang bawasan ang frequency nito at isunod sa mga probisyon sa ilalim ng Cockfighting Law.

Facebook Comments