Kapartido ni dating Pangulong Noynoy Aquino, hindi inaasahan ang kanyang pagpanaw

Ikinagulat ng kanyang kapartido sa Liberal ang biglaang pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III o mas kilala bilang PNoy.

Sa interview ng RMN Manila kay Liberal Party President at Senador Francis “Kiko” Pangilinan, sinabi nito na bagama’t alam niya na may sakit ang dating Pangulong Aquino, pero hindi niya akalain na malubha na ito.

Kaya ganun na lang aniya ang kanilang pagkabigla ng malaman ang pagpanaw nito kahapon.


Sinabi ni Pangilinan na isang mabait, humble at walang luhong boss si PNoy ngunit istrikto, metikuloso at hands-on pagdating sa trabaho.

Maging si Senator Risa Hontiveros ay hindi rin inaasahan sa biglaang pagpanaw ni PNoy.

Sa interview ng RMN Manila, nanawagan si Hontiveros sa publiko na isapuso at isagawa ang mga naiambag ni Pangulong Aquino sa bayan.

Facebook Comments