Kapasidad ng Level 3 hospitals, nais itaas ng DOH

Planong itaas ng Department of Health (DOH) ang kapasidad ng mga ospital sa harap ng banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, nais nilang itaas ang capacity ng Level 3 hospitals para matiyak na may sapat na intensive care unit (ICU), ventilators, high flow oxygens, at gamot para sa severe at critical COVID-19 patients.

Binigyan nila ng contingency plan ang mga pribado at pampublikong ospital sakaling lumobo ang bilang ng kaso ng COVID-19.


Pinadadagdagan na rin ang manpower ng mga ospital.

Magpapadala na rin ang DOH ng high-flow oxygen machines sa high-risk areas.

Mula nitong July 18, nasa 55% ang ICU beds, 46% ang isolation beds, 43% ang ward beds, at 35% ang ventilators na ginagamit sa buong bansa.

Facebook Comments