Simula bukas ay aakyat na sa 100% ang passenger capacity ng mga tren ng Metro Rail Transit o MRT-3, kasabay ng pagbaba ng alert level status sa Metro Manila mula Alert Level 2 tungong Alert Level 1.
Nasa 394 na pasahero kada bagon o katumbas ng 1,182 na pasahero kada train set ang isasakay nila simula bukas.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa dating 70% passenger capacity ng mga tren na may katumbas na 276 na pasahero kada bagon o 827 na pasahero kada train set.
Ang pagtataas ng kapasidad ng mga tren ay bilang tugon ng pamunuan ng MRT-3 at Department of Transportation (DOTR) sa pagtaas ng demand sa pampublikong transportasyon kasunod sa pagbubukas ng mas maraming establisyemento sa Metro Manila.
Facebook Comments