Patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang capacity-building initiatives ng Philippine Army, partikular ang pagpapataas sa morale ng mga sundalo.
Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa ika-27 anibersaryo ng Philippine Army sa Tarlac ngayong araw.
Ayon kay Pangulong Marcos, dapat mapanatili ng hukbo ang kanilang efficiency at mabilis na pagresponde sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga training at edukasyon.
Hinikayat din ng pangulo ang Philippine Army na palakasin ang kanilang cybersecurity capabilities para mai-akma ito sa sa pagbabago ng teknolohiya.
Maaari din aniyang gamitin ng mga sundalo ang kanilang natutuhan sa mga joint military exercises kasama ang kanilang mga foreign counterparts.
Nais aniya ni Pangulong Marcos Jr., na maging multi-mission-ready ang mga sundalo ng Philippine Army upang mapanatili nito ang katatagan at ma-protektahan ang soberenya ng bansa.