Sinisilip na ng Department of Health (DOH) na palakasin ang genome sequencing capacity ng bansa para makapag-detect pa ng mas maraming kaso ng COVID-19 variants.
Sa kasalukuyan, nasa tatlong institusyon lamang ang may kakayahang magsagawa ng genome sequencing: ang Philippine Genome Center (PGC), University of the Philippines National Institutes of Health (UP-NIH), at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na palalakasin ang genome sequencing hindi lamang sa Metro Manila pero sa iba pang lugar sa bansa.
Ang current objective ng genome sequencing efforts sa Pilipinas ay ma-detect ang iba’t ibang uri ng variants, tukuyin ang mga lugar na may ganitong kaso, at malaman kung ang mga variants ang nagdudulot ng pagkukumpol ng mga kaso sa isang lugar.
Sa datos ng DOH, nasa 7,167 swab samples ang sumailalim sa genome sequencing mula January 4 hanggang May 2, 2021.