Kapasidad ng San Juanico Bridge, ipinatataas pa ni PBBM hanggang 33 metrikong tonelada

Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ginagawang retrofitting at restoration ng San Juanico Bridge.

Ayon sa pangulo, ramdam na rin ng ilang rehiyon, hanggang sa Mindanao ang epekto ng limitadong commercial traffic sa tulay dahil sa limitadong pagdaan ng mga sasakyan sa tulay.

Nasa higit P500 million na budget na rin ang inilan para maibalik ang load limit ng tulay sa 12 hanggang 15-metric tons bago matapos ang taon 2025.

Giit ng pangulo, target nilang maibalik ang orihinal na load capacity ng tulay na 33-metric tons para masuportahan ang dumadaming cargo at public transport, at umuusbong na economic activity sa rehiyon.

Inatasan na rin ng pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) na hanapan ng solusyon ang mabilis na pagsasaayos ng tulay sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na pondo.

Facebook Comments