Kapatid Na may Kapansanan sa Pag-iisip, Nanuntok, Pinagtataga, Patay

42

Patay ang isang sibilyan na may kapansanan sa pag-iisip maapos itong pagtatagain ng sariling kapatid kahapon bandang alas 6:30 ng umaga sa Brgy. Antipolo Old, bayan ng Nabua sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Vicente Sunga, Jr., edad 32, single at sinasabing may kapansanan sa pag-iisip. Ang suspect na nakababatang kapatid ng biktima ay kinilalang si Samuel Sunga, edad 30.
Ayon sa imbistigasyon ng pulisya, kasalukuyang nag-uusap umano si Samuel at kanilang ama nang biglang inatake at pagsusuntukin ni Vicente. Kumuha ng itak si Samuel at inundayan ng sunud-sunod na taga ang nakakatandang kapatid na wala sa katinuan na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Si Samuel ay kaagad namang inaresto ng mga kapulisan. Pahayag ng suspect, self-defense lamang umano ang kanyang ginawa dahil sa tendency ng kanyang kapatid na maging marahas o violente.
Nasa kustodiya ngayon ng Nabua PNP ang suspect at inihahanda na ang kaukulang kaso.
Radyoman Manny Basa


Facebook Comments