Kapatid ng dating DILG undersecretary, naaresto sa isang raid sa Cebu

169

Cebu, Philippines – Naaresto ng Provincial Intelligence Branch ng Cebu Provincial Police Office ang kapatid ng dating Interior and Local Government Undersecretary sa isang raid sa kaniyang bahay kaninang alas singko ng madaling.

Ang suspek ay kinilalang si Danilo Ruiz , 55 taong gulang at kapatid ni dating DILG Undersecretary Lito Ruiz at residente ng barangay Tabunok sa lungsod ng Talisay sa Cebu.


Nakuha mula sa bahay ng naarestong suspek ang isang 9mm pistol, mga bala, limang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Facebook Comments