Kapatid ng napatay na abogado sa Cebu, dumulog sa DOJ

Nagpasaklolo sa DOJ ang kapatid ng abugadong napatay sa ambush sa Dalaguete, Cebu, limang taon na ang nakalipas

Sa liham ni Engineer Nestor Archival kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hiniling nito ang mabilis na pag-usad ng imbestigasyon sa pagkakapatay sa kanyang kapatid na si Atty Noel Archival noong February 18, 2014.

Nakasaad sa liham na hindi pa rin naaaresto ang mga suspek sa pananambang bagama’t tukoy na anya ng mga otoridad ang mga salarin na mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa Region 7.


May warrant of arrest na ring inilabas ang Argao, Cebu Regional trial court laban kina Chief Supt. Romualdo Iglesia, Senior Inspector Joselito Lerion at PO1 Alex Bacani.

Natukoy angmga suspek matapos ang imbestigasyon ng NBI sa sasakyang ginamit sa pananambang sa abogado.

Facebook Comments