Kapatid ni Alice Guo na si Wesley Guo, nasa Hong Kong pa rin — DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nananatili sa Hong Kong ang kapatid ng sinibak na alkalde ng Bamban na si Alice Guo.

Ayon kay DOJ Undersecretary Nicholas Felix Ty, nasa Hong Kong pa rin ngayon si Wesley Guo.

Samantala, lilipat patungong Indonesia ang ilang senior investigators ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) para makipag-ugnayan sa pagpapabalik kay Guo sa Pilipinas.


Bukod sa mga taga-NBI, ikinokonsidera ng DOJ ang pagpapadala ng mga prosecutor sa Indonesia.

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan makakabalik ng bansa ang dating alkalde dahil may mga kailangan pa raw ayusin.

Facebook Comments