Kapatid ni Ardot Parojinog na may kasong may kinalaman sa iligal na armas at iligal na droga, namatay na rin ayon sa PNP

527

Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan na namatay na rin ang babaeng kapatid ni dating Ozamis City Councilor Ardot Parojinog na nasawi nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Cascolan, namatay si Melodia “Apyat” Parojinog-Malingin kahapon sa Mayor Hilarion Ramiro Sr. (MHARS) Medical Center sa Ozamis City.

Si Apyat ay akusado rin dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591.

Ayon kay Cascolan at batay sa inisyal na imbestigasyon, si Apyat ay nasawi sa cardiogenic shock secondary to intractable cardiac arrhythmia atrial fibrillation to ventricular tachycardia secondary to massive gastro intestinal bleeding secondary to uremic gastropathy.

Si Melodia ay nakakulong habang naghihintay sa trial ng kanyang drug case kasama ang asawang si Gaudencio ay nakuhanan ng walong kilo ng shabu noong December 6, 2017.

Facebook Comments