Kapatid ni Cong. Arnolfo Teves Jr., iniimbestigahan na rin kaugnay ng Degamo killing

Kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na iniimbestigahan na rin si dating Congressman Pryde Henry Teves na nakatunggali sa gubernatorial race ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Remulla, bukod sa Degamo killing, iniimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pryde Teves kaugnay sa iba pang kaso ng pamamaslang sa Negros Oriental.

Si Pryde Teves ay nanungkulan bilang gobernador sa nasabing lalawigan pero napatalsik makaraang pagtibayin ng Supreme Court ang pagkapanalo ni Degamo.


Muling inihayag ni Secretary Remulla na lahat ng posibleng sangkot sa krimen ay kanilang iniimbestigahan.

Facebook Comments