Kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na si Sheila guo at Cassandra Li Ong, sumalang na sa inquest proceedings

Naiharap na sa piskalya kaninang umaga sina Sheila Leal Guo, kapatid ng sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at Katherine Cassandra Li Ong, isa sa incorporator ng sinalakay na scam hub sa Porac, Pampanga.

Isinagawa sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City ang inquest proceedings kina Guo at Ong kung saan mismong mga prosecutor ng DOJ ang nagtungo rito

Samantala, anumang oras mula ngayon ay inaasahan na rin ang pagsisimula ng pulong balitaan dito sa NBI.


Pangungunahan naman ito nina NBI Director Jaime Santiago, at DOJ Asec Atty. Mico Clavano.

Kagabi pa nakadetine sa isang special detention room sa ikawalong palapag ng NBI sina Guo at Ong.

Facebook Comments