Kapatid ni Health Sec. Francisco Duque, idinawit na rin sa isyu ng Lease Contract sa PhilHealth

Isinama na rin ang kapatid ni Health Sec. Francisco Duque III sa reklamo laban sa kanya kaugnay sa kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya na nakikipagtransaksyon sa gobyerno.

Ang mga complainant ay magulang ng 10 batang namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Ayon sa mga complainant, inamin ni Social Security System (SSS) Commissioner Gonzalo Duque, kapatid ng kalihim na ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari ng Educational and Medical Development Corporation (EMDC), na pumasok sa isang lease agreement sa PhilHealth.


Sinabi raw ni Gonzalo na ang Lease Contract ay nilagdaan higit dalawang dekada na ang nakararaan kung saan Health Sec. at presidente ng PhilHealth sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang kapatid.

Iginiit ng mga complainant, na mayroon pa ring substantial shares of stock si Sec. Duque sa EMDC kahit na-reappoint siya ni Pangulong Duterte noong November 2017.

Dapat ding makasuhan si Gonzalo ng plunder dahil mayroon din siyang substantial share sa EMDC.

 

Facebook Comments