
Tinitiyak ng Eastern Police District (EPD) ang kapayapaan at kaayusan sa buong Metro East sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution bukas, February 25.
Sa inilabas na pahayag ng EPD, magsasagawa ang kanilang hanay ng nararapat na seguridad at magpapatupad ng batas nang may maximum tolerance.
Samantala, nagpaalala rin ang pulisya na kanilang iginagalang ang karapatan ng bawat isa malayang pagpapahayag at karapatang pantao.
Dahil dito, hinihikayat nila ang lahat na makikiisa sa maayos pag-alala sa pamamagitan ng pagsunod sa batas at makipagtulungan sa pulisya.
Samantala, nagsagawa kahapon ng final walkthrough ang EPD sa EDSA Shrine sa Mandaluyong City bilang paghahanda sa EDSA 40 para sa pagpapatupad ng epektibong implementasyon ng security measure bukas.










