KAPAYAPAAN AT KATAHIMIKAN, NAPAPANATILI SA BRGY. TUROD

CAUAYAN CITY- Nananatiling mapayapa at tahimik ang maliit na barangay ng Turod, Reina Mercedes, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Zoom Deculing, Brgy. Kagawad ng Turod, sa sobrang payapa sa kanilang lugar ay wala umanong naitatalang insidente ng nakawan.

Aniya, bagama’t mapayapa ang kanilang barangay ay pinapaigting pa rin ang mahigpit na seguridad upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan.


Dagdag pa niya, kadalasan lamang na problemang nireresolba ng barangay ay ang problema sa pera o utang at away sa lupa.

Sa kabilang banda, patuloy naman ang paglatag ng iba’t-ibang proyekto ang pamunuan ng Barangay para sa ikauunlad ng kanilang nasasakupan.

Facebook Comments