Umaasa si Senator Leila De Lima na ang pagdiriwang ngayong araw ng Eidl Fitr ay makapagtulak sa pamahalaan na agarang tugunan ang pangangailangan ng mga lugar na naipit sa karahasan at kaguluhan gaya ng Marawi.
Dismayado si De Lima dahil makalipas ang dalawang taon ay hindi pa rin naisasagawa ang rehabilitasyon sa siyudad na nawasak kaya libo-libo pa rin nating mga kababayan ang hanggang ngayon ay walang mauwiang tahanan, nagsisiksikan sa mga tent, at wala pa ring katiyakan na makababalik sa normal at marangal na pamumuhay.
Dalangin naman ni Senator Kiko Pangilinan, nawa’y maghatid ng kapayapaan, kalusugan, at kasaganaan sa lahat ang maligayang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Hangad naman ni Senator Loren Legarda na ang selebrasyon ngayon ay maging daan sa mas malalim na pagkakaunawaan ng bawat isa anuman ang paniniwala o relihiyon na kinabibilangan natin.
Dasal naman ni Senator Koko Pimentel na maisabubay ng lahat ang aral ng banal na buwan ng ramdaman tulad ng pagpapatawad, pagtulong sa kapwa, kapayapaan at pagkakaisa.
Ayon kay Pimentel, kapag naisabuhay ito ng bawat isa ay siguradong maghahatid ito ng kasiyahan at maayos na buhay na buhay para sa lahat.