KAPAYAPAAN | Malacañang, nagpaabot ng pagbati sa North at South Korea

Manila, Philippines – Ikinalugod ng Malacañang ang pormal na pagtatapos ng Korean War kasunod ng pagpupulong nina North Korean Leader Kim Jong-un at South Korean President Moon Jae-in.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tila humupa ang pakiramdam ng Pilipinas sa nangyari lalo ayaw ng ASEAN countries na mauwi sa nuclear war ang tensyon.

Binabati rin ni Roque ang dalawang bansa sa hakbang nitong makipagbati muli.


Una nang pinagkasunduan ng dalawang Korean countries na makikipagtulungan sila sa Estados Unidos at China tungo sa matibay at permanenteng kapayapaan.

Facebook Comments