Kapayapaan prayoridad ni 6th ID Commander

Magpapatuloy sa kanilang adbokasiya ang mga opisyales at mga elemento ng 6th Infantry Division na mamuhay nang panatag at may katiwasayan ang kanilang mga nasasakupang bayan.

Ito ang naging mensahe ni 6th ID Commanding General MGen Arnel Dela Vega sa ginawang New Year’s Call sa Kampilan Ground sa Camp Siongco Headquarters, sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Prayoridad pa rin ng 6th ID ang kampanya kontra terorismo at mga armadong naghahasik ng kaguluhan sa kanilang AOR dagdag ni MGen Dela Vega. Magiging kaisa rin sila ng Presidente Rody Duterte na magbabantay para sa pagkakaroon ng good governance ng bawal Local Government Unit giit ng heneral kasabay ng Martial Law sa Mindanao.


Patuloy naman ang paghihikayat ni MGen Dela Vega sa lahat ng kanyang mga kasamahan at publiko na makiisa sa kanilang isinusulong na programa para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa buo nilang nasasakupan.

Si MGen Dela Vega ay mag iisang taon ng Commander ng 6th ID ngayong enero 19.

Facebook Comments