KAPAYAPAAN SA BASAO AT BIGA, SINELYUHAN!

CAUAYAN CITY – Sinelyuhan ng 503rd Infantry “Peace and Justice” Brigade, religious sectors, at kapulisan mula sa Basao at Biga ang Peace Covenant Pledge.

Sa nasabing kasunduan, nakapaloob dito ang pagrespeto sa kultura at tradisyon ng bawat isa maging ang pagprotekta sa mga karapatan ng komunidad.

Umaasa naman ang tribo ng Basao at Biga na makakatulong ang nasabing kasunduan upang matapos na ang kaguluhan at magkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa kanilang lugar.


Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon pa ng matibay na ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan sa nabanggit na bayan at Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Isinagawa ang paglagda ng kasunduan sa Kalinga Police Provincial Office.

Facebook Comments