KAPEHAN SA BARANGAY, MULING UMARANGKADA

CAUAYAN CITY – Muling inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Nagtipunan ang ikatlong yugto ng programang “Kapehan sa Barangay” sa pamumuno ni Mayor Noel Lim na dinaluhan ng mga residente ng Brgy. Giayan.

Katuwang sa aktibidad ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ibang opisina sa kanilang pamahalaan.

Iba’t-ibang serbisyo ang inihatid sa nasabing barangay katulad ng pagbibigay ng mga groceries, bigas, at livelihood assistance.


Mayroon ding ginawang dental at medical check-up, Birth Registration at National ID Registration.

Bukod dito, tinalakay din ni Mayor Lim ang proyektong kasalukuyang isinasagawa sa kanilang bayan katulad ng konstruksyon ng dalawang classroom building, isang child development center, isang satellite office ng DRRM, at mga farm-to-market roads.

Facebook Comments