Kapihan sa BARMM , Inilunsad!

Layunin ng Kapihan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay upang iupdate ang taumbayan sa pamamagitan ng Media, ang mga pagsisikap, inisyatiba at mga programa mula sa ibat ibang ahensya ng BARMM.

Ang Kapihan ay magiging weekly program ng BARMM sa ilalim ng Bureau of Public Information sa pangunguna ng bagong talagang Director Dr. Norodin Salam.

Ngayong araw, bisita sa Kapihan si MILG Secretary /READI BARMM Head Atty. Naguib Sinarimbo, Ministry on Social Services Minister Atty. Raiza Jajurie at mga opisyales at mga representante ng ibat ibang Humanitarian Orgranizations.
Isinabay ang aktibidad kasabay ng pag-oobserba ng International Humanitarian Day. Ginawaran rin ng BARMM Government ang ilang Humanitarian Group na nagpaabot ng malaking tulong sa mga Bangsamoro. (D.A)


Facebook Comments