MANILA – Matapos ang matagumpay na unang presidential debate noong linggo, ngayon palang ay naghahanda na ng Commission on Elections at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas para sa pangalawang bugso ng debate.Katuwang ng COMELEC at KBP sa second presidential debate ang Philippine Star at TV5…maging ang Radyo Mo Nationwide na gaganapin sa Cebu City sa Marso a-bente.Kinumpirma sa interview ng RMN ni KBP President Herman Basbaño na nakatakda silang magpulong bukas para sa ikalawang presidential debate kung saan pag-uusapan ang oras para sa mga kandidato at ang sangkaterbang commercial ads na isa sa mga reklamo sa unang debate.Kasabay nito, ipinaliwanag ni Basbaño na may pinagbasehan ng mga nag-organisa sa inilaang oras para sa mga presidential candidates.Bunsod nito, nanawagan ang opisyal sa media na tulungan na lamang ang publiko para maipaliwanag ang mga isyung tinatalakay ng mga kandidato sa debate. (DZXL 558 – Michelle Bermejo-Abila)
Kapisanan Ng Mga Brodkaster Ng Pilipinas At Commission On Elections, Pinaghahandaan Na Ang Ikalawang Presidential Debate
Facebook Comments