KAPISTAHAN | Mobile services sa Cebu at Aklan, sinuspinde dahil sa idadaos na Sinulog at Ati-Atihan Festival

Visayas – Sinuspinde ng Globe TeleCom at Smart Communications ang kanilang mobile service sa dalawang probinsya sa Visayas.

Ito ay partikular sa mga lugar na pagdarausan ng Sinulog Festival sa Cebu City at Ati-Atihan naman sa Kalibo, Aklan.

Walang mobile services sa Cebu City mula mamayang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi dahil sa Sinulog Grand Parade.


Sakop naman ng mobile service interruption ang Pastrana Park sa Poblacion, Aklan mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.

Sa ilaim ng suspension, ang mga mobile subscribers ay hindi makatatanggap o makakagawa ng tawag, text o makakagamit ng internet sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments