KAPISTAHAN NG CARABATAN CHICA, PINAGHAHANDAAN NA

CAUAYAN CITY- Bagama’t mahigit isang buwan pa bago ang kapistahan ng Brgy. Chika ay nakalatag na ang iba’t-ibang aktibidad para rito.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Kagawad Benjamin Recobo, siya ang inatasang Director General sa kanilang pista kung saan madaming pasabog na aktibidad ang kanyang ihahanda para sa pagdaraos ng pista.

Aniya, magiging iba ito sa mga nakaraang pista dahil gagawin nila itong magarbo at mas masaya.


Kabilang sa mga patimpalak ay ang inter-barangay basketball league at Mutya ng Carabatan Chica.

Bukod dito, magkakaroon rin ng production number ang mga barangay officials at mga Barangay Tanod.

Samantala, gaganapin ang pista sa ika-14 at ika-15 ng Agosto.

Facebook Comments