Inanunsyo ng Minor Basilica and Parish of Our Lady of the Rosary of Manaoag ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Señor Santo Niño na gaganapin sa Enero 18, 2026, bilang bahagi ng taunang mga gawaing panrelihiyon ng parokya.
Ayon sa anunsyo, magsisimula ang Banal na Misa sa ganap na alas-4:30 ng hapon, na susundan ng solemne prusisyon alas-5:30 ng hapon.
Inanyayahan ng parokya ang mga Basic Ecclesial Communities (BECs), relihiyosong organisasyon, parokyano, at mga deboto na makibahagi sa nasabing aktibidad.
Kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan, inilunsad din ng basilica ang 100-day countdown patungo sa ika-100 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Birhen ng Manaoag na nakatakdang idaos sa Abril 22, 2026.
Ayon sa pamunuan ng basilica, ang sentenaryong selebrasyon ay inaasahang dadaluhan ng mga debotong magmumula sa loob at labas ng Pangasinan bilang bahagi ng paghahanda para sa makasaysayang pagdiriwang.






