Kapital Pansaka, alok ng Landbank para sa mga magsasaka ng North Cotabato

Target ngayon ng LandBank of the Philippines na matulungan ang nasa 70, 000 na mga magsasaka sa lalawigan ng North Cotabato.

Kabilang sa layunin ng LBP ay makapagpahiram ng kapital para sa mga magsasaka ng 17 bayan at isang syudad ng lalawigan ayon pa kay Rose Maria Cabanial , Lending Center Head for North Cotabato Land Bank sa panayam ng DXMY.

Maari aniyang makahiram ng kapital na pansaka ang mga ito mula P500, 000 hanggang P1 Million. At tanging 2 percent lamang per annum ang magiging kabayaran ng mga beneficiaries.


Kinakailangan lamang na may kalahating hektaryang sinasaka ang isang magsasaka na gustong makaavail ng loan mula sa LBP. Maari rin aniyang makipag-ugnayan sa LBP ang mga ito.

Bukod sa mga magsasaka pwede ring maka avail ng loan ang mga mangingisda , micro, small at medium enterprises (MSMEs).

Kaugnay nito nagpapasalamat si North Cotabato Governor Nancy Catamco sa naging inisyatiba ng LBP katuwang ang DA at DAR.

Magiging malaking tulong aniya ito sa mga kababayan sa lalawigan.
Matatandaang isa ang North Cotabato sa Top Producer ng mga agri products lalo ng bigas sa buong bansa.

Ang mga naging pahayag ng mga opisyales ay kasabay ng roadshow ng LBP sa Amas Gym Kidapawan City ngayong araw .

Facebook Comments