Kapitan at Tanod patay sa pananambang sa Carmen North Cotabato

Patay ang isang Barangay Kapitan at tanod nito matapos tambangan alas dos 45 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Carmen MPS COP CIns Julius Malcontento ang mga biktima na sina Brgy Tonganon Carmen Chairman Joaquin Semguban 56 at tanod nitong si Joey Gamotia 57.

Sinasabing sakay ng Multicab ang mga biktima habang tinatahak ang kahabaan ng Sitio Galay Brgy. Kibayao ay biglang na lamang pagbabarilin ng riding in tandem dagdag ni CINS Malcontento sa panayam ng DXMY.


Kapwa nagtamo ng multiple gunshot wounds ang mga biktima mula sa bala ng kalibre 45 at idiniklarang dead on arrival sa pagamutan.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pnp kung sino at ano ang motibo ng pamamaslang sa mga biktima.

Sinasabing aktibo sa mga adbokasiya ng pamahalaan ang napaslang na kapitan.

FB Pic

Facebook Comments