KAPITAN BENJIE DY III, NAGHAIN NG KANDIDATURA BILANG BISE ALKALDE NG CAUAYAN

CAUAYAN CITY- Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si Aspiring Vice Mayor Kapitan Benjie Dy III sa huling araw ng filing of COC sa Lungsod ng Cauayan.

Makakalaban naman ni Benjie Dy III si Atty. Diosdado Ramirez at Marlo Padaca habang maglalaban naman sa posisyon ng Alkalde si incumbent Mayor Caesar JC Dy Jr. at Bill Dy.

Matatandaan namang naghain ng kandidatura si SP Edgardo Atienza bilang Vice Mayor noong ika-6 ng Oktubre ngunit iniurong din nito ang kanyang kandidatura sa huling araw ng eleksyon.


Samantala, dalawampung kandidato naman ang maglalaban-laban para sa posisyon ng Sangguniang Panlunsod sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments