Kapitan, misis nito at 2 iba pa arestado dahil sa Shabu

Isang Barangay Chairman ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 sa bisa ng Warrant of Arrest sa ilalim ng direktong pangangasiwa at kontrol ng IAV Duquiatan at ng PDEA ARMM sa pamumuno ni Director Juvenal B. Azurin, kasama narin rito ang Kabacan Municipal Police Station, 4th Special Action Force (SAF), Special Action Battalion (SAB) at 7th Infantry Battalion.

Si Nestor Salama y Solaiman alyas Nestor, 47 anyos Kapitan ng Brgy Balatongkayo ng Datu Montawal ngunit may tahanan sa Mercado Street, Barangay Poblacion, Kabacan, North Cotabato ay inaresto ng mga operatiba sa isinagawang operasyon. Nahulihan ito ng shabu, sari-saring drug paraphernalia, mga baril at bala, cards, resibo at pera na pinaniniwalaang magpapatuloy sa kanyang iligal na negosyo.

Samantala, kasama ring inaresto sa operasyon sina Norhata Salaman y Lumpingan, 42 anyos na asawa ni Nestor Salama, walang trabaho, KABUNTO BATUNAN, 39 anyos, may asawa, trabahador at residente ng Kabacan Cotabato at si JOHARI ZOMBAGA, 20 anyos, single, trabahador at residente ng Pikit, Cotabato.


Ang mga na kumpiska ay labing isang sachet suspected shabu na tumitimbang na humigit kumulang apatnaput tatling gramo na nagkakahalag ng 292,000.00, pitong bamboo sealers, tatlong disposable lighter, tatling improvised tooters, isang 91 cal 40 pistol, 35 rpunds cal 40 at dalawampong round cal 5.56 ammunition, at ATM Cards, ibat ibang resibo at pera na pinaniniwalaang mga nalikom sa illegal drug business.

Nahaharap na sa kasong paglabag Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Sectiom 11 (Possession of Illegal Drugs), Section 12 ( Possession of Drugs Parapharnelia), Article II of Republic Act 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and Republic Act 10591 ang mga nahuling mga suspek na nakakulong sa PDEA ARMM Detention Facility. (Mary Eugene (LENG) Austero BACOM4)

PDEA 12 pic

Facebook Comments